Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2022
 MGA SINAUNANG KABISHASNAN Sa mga Sinaunang Kabihasnan, Ako ay isang tao ng hinaharap at ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong mga kontribusyon upang matulungan ang mga tao na makarating sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman tungkol sa pagbabago ng mga teknolohiya. Ang iyong kontribusyon ay nagbago ng maraming buhay sa buong mundo. Ang pagtuklas ng agrikultura ng mga sinaunang Mesopotamia ay nagpasigla sa pagtatayo ng mga dakilang lungsod sa buong mundo. Ito rin ay humantong sa simula ng isang trend. Salamat sa bahagi ng mga Mesopotamia, naging uso ang paggamit ng mga titik at gulong. Utang namin sa mga Egyptian ang aming kaalaman sa patubig at paghahalaman. Dahil naman sa mga Indus, maayos ang naging itsura ng mga lungsod sa daigdig ngayon dahil sa malawakang pagpaplano. Ang mga imbensyon naman ng mga Tsino kagaya ng papel, paglilimbag, pulbura, at compass ay naging mahalaga sa mga pagbabago sa daigdig. Ang mga kalendaryo at kaalaman ng mga Egypt tungkol sa kalawakan ay naging san...