MGA SINAUNANG KABISHASNAN
Sa mga Sinaunang Kabihasnan,
Ako ay isang tao ng hinaharap at ako ay lubos na nagpapasalamat sa iyong mga kontribusyon upang matulungan ang mga tao na makarating sa patuloy na pag-unlad ng kaalaman tungkol sa pagbabago ng mga teknolohiya. Ang iyong kontribusyon ay nagbago ng maraming buhay sa buong mundo.
Ang pagtuklas ng agrikultura ng mga sinaunang Mesopotamia ay nagpasigla sa pagtatayo ng mga dakilang lungsod sa buong mundo. Ito rin ay humantong sa simula ng isang trend. Salamat sa bahagi ng mga Mesopotamia, naging uso ang paggamit ng mga titik at gulong. Utang namin sa mga Egyptian ang aming kaalaman sa patubig at paghahalaman.
Dahil naman sa mga Indus, maayos ang naging itsura ng mga lungsod sa daigdig ngayon dahil sa malawakang pagpaplano. Ang mga imbensyon naman ng mga Tsino kagaya ng papel, paglilimbag, pulbura, at compass ay naging mahalaga sa mga pagbabago sa daigdig. Ang mga kalendaryo at kaalaman ng mga Egypt tungkol sa kalawakan ay naging sandigan din ng mga tao sa kasalukuyan upang pag-aralan ang buong kalawakan.
Maraming salamat sa inyong mga ambag sa lipunan na hanggang ngayon ay aming napakikinabangan at nalilinang. Isa itong napakalaking kontribusyon na naging isa sa mga dahilan ng aming pag-unlad at lubos ding ipinadali ang aming mga buhay. Aking pangangalagaan at bibigyan importansya ang inyong mga iniwang pamana para sa aming henerasyon at sa mga sumusunod na henerasyon.
Lubos na gumagalang,
Isang tao mula sa ika-22 na siglo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento